Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan?

Sagot verified answer sagot

Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlanMaipakikita ko ang pagmamahal sa aking sariling wika bilang tanda ng aking pagkakakilalanlan sa pagtuklas pa ng hiwaga ng aking wika.

Sa totoo lamang, kahit na ang wikang Filipino ay ang wikang madalas kong sinasalita, batid kong marami pa akong dapat matutuhan sa wikang ito.

Nariyan ang mga batayang inilalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino tulad ng Pambansang Ortograpiya at Manwal sa Masinop na Pagsulat.

Napakaraming mga alituntunin na nakasaad rito ang hindi ko pa alam kaya naman bilang isang tanda ng aking pagkakakilanlan, ang pagtuklas sa mga bagong impormasyon tungkol sa wika ay magiging daan upang maging maunlad ang kaalaman ko sa aking sariling wika.