Katanungan
paano mo malaman na haiku ang tula?
Sagot
Malalaman ko na haiku ang tula kung ito ay binubuo ng tatlong linya at mayroong sukat na 5-7-5.
Ang haiku ay isang anyo ng tula na naisilang mula pa sa ika-15 na siglo partikular na sa bansang Japan.
Isa sa pinaniniwalaang kahalagahan ng tulang ito ay ang wastong pagbigkas ng piyesa alinsunod sa tamang antala o paghinto o higit na kilala bilang sesura sa larangan ng panulaan at kiru o cutting naman sa mga hapones.
Ang haiku ay ang sinasabing pinaikling bersiyon ng tanka sapagkat nahahati lamang ito sa tatlong taludtod.
Ang ayos ng sukat nito na 5-7-5 ay maaaring magkapalit-palit subalit siguruhing ang kabuuang bilang ng pantig ay nasa labing pito pa rin.