Paano mo mapapahalagahan ang mga sinaunang kasangkapan at gusali sa pamayanan?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano mo mapapahalagahan ang mga sinaunang kasangkapan at gusali sa pamayanan?

Sagot verified answer sagot

Ang mga sinaunang gusali at kasangkapan na gawa pa ng ating mga sinaunang ninuno ay maituturing ng mga kayaman ngayon. Kaya naman importanteng sila ay pangalagaan at pahalagahan nang mabuti.

Maipapakita natin ang pagbibigay halaga sa mga sinaunang bagay na ito sa pamamagitan ng pagsisikap at pakikipagtulungan sa mga ahensya at programa ng pamahalaan upang maipreserba sila nang maayos.

Pwedeng magsagawa ng paglilinis at pagkukumpini kung kinakailangan. Kung may katibayan pa ang mga ito at maaari pang magamit sa pang araw-araw ay pwede rin naman gamitin. Sa ganoong paraan ay maipapakita natin na tayo ay tumatanaw ng pasasalamat sa mga kayamanang ipinamana nila.