Paano mo pahahalagahan ang inyong yamang likas?

Katanungan

paano mo pahahalagahan ang inyong yamang likas?

Sagot verified answer sagot

Mapahahalagahan ko ang aming yamang likas sa pamamagitan pagdidisiplina sa sarili upang maiwasan ang labis na paggamit sa mga ito gayundin ang pagbabawas sa mga gawaing nakapagdudulot ng pinsala sa mga yamang likas.

Ang mga likas na yaman ay kapaki-pakinabang sa buhay nating mga indibdiwal gayundin para sa mga hayop sapagkat dito tayo nakakukuha ng mga kailangan natin upang mabuhay.

Kaya naman, bilang tagapangalaga ng mga ito, nararapat na magkaroon tayo ng tiyak na disiplina upang maisabuhay ang pagiging responsableng mamamayan na may malasakit hindi lamang sa pansariling kagalingan ngunit para rin sa ikabubuti ng iba’t ibang mga yamang likas.