Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiranMapahahalagahan ko ang aking kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iingat dito. Wala nang ibang bagay pa ang mas mabisa kung hindi pangalagaan ang kalikasang at kapaligirang nag-iisa lamang sa mundo.

Ang pag-iingat na ito ay kinabibilangan ng pagtatapon ng basura sa mga wastong lugar. Siguradong hindi magiging sagabal sa kapaligiran at sa natural nitong pagkilos ang mga basura kung mawawala na ito sa kaniyang landas.

Kasama rin nito ang pagsusuplong sa mga taong patuloy na umaabuso sa kapaligiran. Dapat ay iulat ang mga taong patuloy na nagpuputol ng puno sa iligal na paraan. Dapat ding parusahan ang mga taong gumagamit ng kemikal at pampasabog upang makahuli ng mga isda sa dagat.