Paano mo pahalagahan ang kalagayang ekolohikal ng Asya?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano mo pahalagahan ang kalagayang ekolohikal ng asya?

Sagot verified answer sagot

Maaari nating ipakita ang ating pagpapahalaga rito sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan, pakikilahok sa mga proyektong pangkapaligiran, at pagsunod sa mga batas kalikasan.

Ekolohiya ang pag-aaral sa biodiversity ng isang lugar, kabilang na rito ang kalikasan at lahat ng kanyang nasasakupan mapa-tao man, hayop, halaman, at iba pang mga nabubuhay na organismo.

Ang kontinenteng Asya ay sagana sa biodiversity na ito, kung saan maraming uri ng mga hayop at halaman ang ating makikita sa bawat bansang kabilang sa Asya, kasama na ang Pilipinas.

Importante ang pagpapakita ng kahalagaan sa kalagayang ekolohikal ng ating kontinente bagamat dito nanggagaling ang lahat ng likas na yaman na ating pinagkukunan ng hilaw na materyales.