Paano mo paninindigan ang sarili mong wika?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano mo paninindigan ang sarili mong wika?

Sagot verified answer sagot

Mapaninindigan ko ang sarili kong wika sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito o paggamit nito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

Ang wikang Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas ay ang wikang daluyan ng kaunawaan sa pagitan ng mga Pilipino nasaang panig man ng bansa ang mga ito.

Subalit sa pagpasok ng iba’t ibang dayuhan, nakilala rin ng mga tao ang mga wikang banyaga lalo na ang wikang ingles na kung saan naging ugat pa ito ng malaking pagtatalo sa bansa.

Kung kaya bilang isang Pilipino, ang paggamit ng wikang Filipino bilang aking unang wika ang paraan upang mapanindigan ko ang kahalagahan nito.