Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang deporestasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nagiging dahilan ng kalamidad ang deporestasyon?

Sagot verified answer sagot

Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang deporestasyonAng deporestasyon o pagiging kalbo ng mga kagubtan ay nagiging sanhi ng kalamidad sapagkat ang pagkawala ng mga puno ay paghina ng depensa ng isang lugar sa malalakas na bagyo at ulan.

Dahil wala nang mga puno na sisipsip ng tubig tuwing umuulan o mga punong haharang sa oras ng kalamidad, mas maraming tao ang napipinsala ng mga natural na kalamidad.

Sinasabi ring ang pagkaubos ng mga puno ay ang nagiging sanhi ng paglambot ng lupa kaya naman nagkakaroon ng landslide kapag malakas ang ulan. Imbes kasi na may mga punong kumakapit sa lupa, humihina ang pundasyon ng lupa at bumabagsak ito.