Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang pagmimina?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang pagmimina?

Sagot verified answer sagot

Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang pagmiminaNagiging dahilan ng kalamidad ang pagmimina dahil ang pagmimina ay kinakailangan ng pagbungkal ng lupa at pagputol ng mga puno.

Ang pagmimina kasi ay ginaganap sa mga kagubatan. At ang mga kagubatan naman ay naroon ang mga puno. Kung bubungkalin ang lupa upang makamina ng mga yamang mineral, nakakalbo ang mga kagubatan.

Kung nakakalbo ang mga kagubatan, walang mga punong hihigop ng ulan o tubig kaya naman nagiging sanhi ito ng pagbaha. Kung minsan din, dahil sa lumalambot ang lupa dahil wala nang mga puno, nagiging sanhi ito ng pagguho ng lupa o landslide.

Ang landslide ay nagdudulot ng trahedya lalo na sa mga kabahayang nakatayo sa mga ilalim ng bundok.