Paano nagkaiba ang alamat sa mito?

Katanungan

paano nagkaiba ang alamat sa mito?

Sagot verified answer sagot

Ang alamat at mito ay dalawang akdang pampanitikan na may malaking pagkakaiba sa isa’t isa. Ang alamat ay kabilang sa mga kwentong bayan na ang pagsulat ay pasalaysay.

Ito ay naglalaman ng mga pinag-ugatan ng mga bagay na mayroon sa paligid ng isang indibidwal. Ang alamat ay isa ring akda na nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga mambabasa maging ang aral ay mapupulot dito.

Sa kabilang banda naman, ang mito ay isang akda na tumutulong sa mga mamamyan upang mabatid nila ang iba’t ibang misteryo na bumabalot sa mundo.

Ito rin ay kabilang sa mga kwentong bayan na madalas tumatalakay sa mga kwento ng diyos t diyosa, anito, at maging mgaibang nilalang.