Paano nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

paano nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo?

Sagot verified answer sagot

Ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo ay nagkakaiba sa konteksto. Dahil ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa kaalamang natural ng isang indibidwal sa kanyang wika.

Ito ang nakatutulong sa tao upang higit na magamit niya ng mabisa at tama ang wikang kanyang sinasalita. Ang kakayahang lingguwistiko rin ang nagsisilbing pundasyon ng kaalaman at kahusayan ng tao sa pagbuo at paggamit ng wastong balangkas ng salita.

Samantala, ang kakayahang komunikatibo naman ay ang kasanayan ng tao na sumasaklaw sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng tao sa tama at wastong paggamit ng sinasalitang wika. Ang kakayahang ito ang ugat kung bakit marunong umunawa ang tao ng mga salitang ipinararating ng kanyang kapwa.