Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa isang lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa isang lipunan?

Sagot verified answer sagot

Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa isang lipunanAng pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa’t isa ang ilan sa mga paraan upang magkaroon nang maayos na ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa isang lipunan.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at lakas sa isang kapuwa na kailangan ng tulong, nabubuo ang magandang samahan.

Dito nagkakaroon ng magandang relasyon ang magkakasama sa isang lipunan at lumalaganap ang kabutihang panlahat.

Kasabay rin ng pagtulong ay ang pagmamalasakit. Ito ay ang pagbibigay ng pagmamahal sa anumang paraan sa kapuwa, lalo na iyong mga nasasadlak.

Lumalaganap ang magandang ugnayan kung mararamdaman ng bawat kasapi ng lipunan na ang mga taong nasa paligid nila ay mapagkakatiwalaan at mayroong magagandang kalooban.