Katanungan
paano nagkakatulad ang epiko ng mga bansa sa silangang asya?
Sagot
Nagkakatulad ang epiko ng mga bansa sa silangang asya sa estruktura at konseptong umiiral dito sapagkat ang bawat epiko sa mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya ay nagpapakita ng kabayanihan, mga tunggalian na kamangha-mangha, at mga pagtatagpong hindi kapani-paniwala sa reyalidad.
Ang epiko ay isang panitikan na nagtatampok ng iba’t ibang klase ng kabayanihan at tunggalian sa pagitan ng isang indibidwal laban sa katunggali na hindi tunay na nabubuhay sa reyalidad.
Ito ay isang akda na katatagpuan ng mga pangyayaring tiyak na kagila-gilalas o kamangha-mangha sapagkat lakas na taglay ng bida o pangunahing tauhan ay lubhang malayo sa katuturan ng buhay na siyang may kakayahang gumapi sa anumang uri ng kalaban.