Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud?

Sagot verified answer sagot

Nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud sa layunin nitong gawing mabuti ang kilos o galaw ng isang tao. Ang pagpapahalaga ay isang paraan ng pagbibigay importansya sa aspeto ng buhay ng isang tao.

Ito ang madalas na gamit o tuon upang ang isang tao ay makagawa ng isang mabuting pasya o desisyon.

Sa kabilang banda, ang birtud o sa ingles ay virtue naman ay aspeto ng pagiging matatag o malakas ng isang tao na siyang laging nakakonekta sa isipan ng isang indobidwal upang sa gayon ay makamit ang mabuting pag-iisip o pagkilos.

Ang pagpapahalaga at birtud ay dalawang bagay na nagkakaugnay sa layunin nito na makapagbigay ng isang mabuti o maayos na pasya tungo sa isasagawang kilos ng tao.