Katanungan
paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang pilipino?
Sagot
Ang migrasyon ay nagsimula sa kulturang Pilipino ng dumami ang bilang ng mga nangingibang bansa o ang mga Overseaas Filipino Worker (OFW).
Ang migrasyon ay ang pag-alis o paglipat ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang teritoryo. Kadalasan, ang itinuturong sanhi o dahilan nito ay ang paghahangad ng mas mabuti o mas magaan na pamumuhay para sa pamilya.
Kung kaya naman maraming mga Pilipino ang nagsasakripisyo upang sa gayon ay matupad o makamit ang layuning ito. Ang migrasyon ay nagbubukas ng oportunidad sa mga tao na makapagsilbi sa labas ng bansa na nakatutulong din naman sa pagpapa-unlad ng kalagayang pang-ekonomiko ng bansa.