Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe?

Katanungan

paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng europe?

Sagot verified answer sagot

Merkantilismo ang tawag sa isang kaisipang pang-ekonomiya na nagsasaad na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nababase sa dami ng pilak at ginto na pinagmamay-arian nito.

Ito ay isang kaisipan na namayagpag noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo sa kontinente ng Europa. Nakatulong ang merkantilismo upang makita ng buong daigdig ang angking lakas at kapangyarihan ng mga bansa sa Europeo.

Naniwala ang mga taga-Europa na ang mga ginto at pilak ang mag-papaunlad sa kanila at naging totoo iyon. Lumakas ang kapangyarihan ng mga bansa para makasakop ng marami pang ibang bansa. Nagkaroon ng matinding agawan sa mga teritoryo at patuloy na lumalaki ang kalakalan sa kontinente.