Katanungan
paano nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
Sagot
Nagsisimula ito sa pamilya kung dinidisiplina at hinuhubog din ito ng kanilang magulang o kamag-anak.
Halimbawa na lamang ang isang nanay na tinututruan kung paano madisiplina ang isang bata, hanggang sa mabitbit niya na ito sa kaniyang paglaki.
Bukod pa rito, mabibigyan katarungan ang mga tao nasa kanilang paligid dahil amaayos ang kanilang pakikitungo at nirerespeto ang kanilang dignidad.
Kung hindi naman ito nadidisplina ng mga magulang o kamag-anak, maaaring hindi magbigay katarungan ito sa mga taong nakapaligid sa kanila dahil hindi alam kung ano ang tama at mali sa kanilang aksyon. Dito makikita ang kahalagahan ng pamilya bilang instrumento sa pagtuturo ng katarungan.