Katanungan
paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng mga akdang pampanitikan?
Sagot
Maraming mga uri ng akdang pampanitikan. Sa mga akdang pampanitikan mababasa ang mga nakasulat na mga lathalain tungkol sa pang araw-araw na buhay.
Ito ay maaaring maglaman ng katotohanan, kasaysayan, o maging kathang-isip lamang. Isa sa mga pinakasikat na akdang pampanitikan ay ang tula.
Ang tula naman ay may mga uri rin. Kabilang na rito ang tinatawag na elehiya. Elehiya ang tawag sa uri ng tula na naglalaman at nagpapakita ng kalungkutan.
Ito ay kadalasan patungkol sa mga tao o bagay na namayapa na o di kaya naman ay bigla na lamang nawala. Madalas makakarinig ng isang elehiya sa mga lamay o libing.