Paano naiiba ang epiko sa alamat?

Katanungan

paano naiiba ang epiko sa alamat?

Sagot verified answer sagot

Ang epiko o epic sa ingles ay isang uri ng akdang pampanitikan na nagtatampok ng kabayanihan at kamangha-manghang tunggalian sa pagitan ng isang pangunahing tauhan na biniyayan ng lakas at kapangyarihan laban sa mga katunggaling hindi nagaganap sa totoong buhay sapagkat ang mga tagpuan ay hindi kapani-paniwala.

Idagdag pa riyan na ang epiko ay binubuo ng iba’t ibang pangyayaring kagila-gilalas. Samantala, ang alamat naman ay tumutukoy sa klase ng kwentong bayan na pumapaksa sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay na mayroon sa ating mundo.

Ito ay madalas na kinagigiliwan ng mga kabataan sapagkat nakapupulot sila ng aral partikular na sa kanilang pag-uugali at kilos.