Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?

Sagot verified answer sagot

Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikanAng epiko ay naiiba sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay nakatuon sa pambihirang pakikipagsapalaran ng isang bayani.

Ang tema ng isang epiko ay karaniwang tungkol sa kabayanihan ng isang tauhan na tinatangi naman ng pook o pangkat etniko na pinagmulan nito.

Itinuturing nila bilang mahalagang simbolo at bahagi ng kanilang kultura ang mga epiko. Sinasalamin kasi at kinakatawan din ng mga epiko ang kabuhayan at kultura ng mga mamamayan sa lugar na iyon.

Karaniwang pambihira o puno ng pantasya at paggamit ng mahika ang paglalakbay ng bayani sa isang epiko. Kapupulutan din ng magandang aral ang mga epiko tulad ng iba pang kuwento sa panitikan.