Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan?

Katanungan

paano naiiba ang tanaga sa pilipinas at tanka ng japan?

Sagot verified answer sagot

Isang uri ng tulang Filipino ang tinagurian na tanaga. Ito ay binubuo ng apat na linya, kung saan ang bawat linya ay dapat na may pitong pantig.

Ang kaduluhan ng bawat linya ay dapat magkatunog. Madalas naihahambing ang tanaga sa isang uri ng tula na nagmula sa bansang Japan. Ito ay ang tanka.

Halos magkatunog rin ang pangalan ng dalawang uri ng tula. Ngunit ang tanka ay binubuo ng limang taludtod o linya.

At ang pantig na sinusunod ng tanka ay 5-7-5-7-7 o di kaya naman ay 7-7-7-5-5. Hindi tulad sa tanaga, ang isang tanka ay maaaring magtapos ang bawat linya sa hindi magkaparehong tunog na mga salita.