Paano naipapakita ang kawalan ng pasasalamat?

Katanungan

paano naipapakita ang kawalan ng pasasalamat?

Sagot verified answer sagot

Sa ating kultura, likas ang pagpapakita natin ng pasasalamat—mapa sa Diyos man, sa ating kapwa, at sa iba pang mga bagay.

Lagi nating sinasambit ang salitang “salamat” na sa wikang Ingles ay “thank you”. Minsan rin ay ibinabalik natin ang kabutihang ginawa para sa atin bilang pasasalamat.

Ito ang tinatawag nating utang na loob. Sinasabing ang isang tao ay hindi marunong tumanaw ng pasasalamat kung siya ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Iba pang halimbawa ng kawalan ng pasasalamat ay ang pagpapakita natin ng galit o inis sa kapwa na nais lamang magbigay ng tulong sa atin.