Katanungan
paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga spartan?
Sagot 
Ang mga Spartan ay kilalang mga disiplinadong tao. Mula pagkabata pa lamang, sila ay ipinapasok na sa ilalim ng iba’t-ibang paraan ng pag-eensayo lalo na patungkol sa digmaan.
Nakakabuti ito dahil mas nagiging malakas ang pisikal na katangian ng mga tao. Natuto silang lumaban at ipaglaban ang kanilang sarili at mga lupain.
Nagiging malakas sila at hindi sakitin. Ngunit ang ganitong pamamaraan ay may dulot rin na hindi katangi-tangi. Dahil bata pa lamang kung magsimula ay hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na maging bata.
Hindi sila nakakapaglaro masyado at mas nahihilig sila sa pagpatay ng mga tao dahil pandigmaan ang kanilang pag-iisip.