Paano nakakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

Katanungan

paano nakakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

Sagot verified answer sagot

Ang cyberbullying o ang panlalait gamit ang teknolohiya o onternet ay lubhang nakaaapekto sa biktima nito sa negatibong aspeto.

Kabilang sa mga epekto nito ang mga sumusunod: ang indibidwal na nakararanas nito ay madalas napahihiya sa internet sa harap ng mga taong konektado at hindi konektado sakanya.

Isa rin sa epekto nito sa biktima ang pagkakaroon ng trauma o takot ng biktima. Dahil sa pagkapahiyang nararanasan o naranasan, ang takot ay nabubuhay sa damdamin ng biktima na siya namang nakaaapekto sap ag-aaral nito o sa pang-araw-araw na gampanin. Dahil rito, marami ang mas pinipiling huminto na lamang sap ag-aaral upang makaiwas.