Paano nakakaapekto ang kalusugang emosyonal sa pagkatao ng isang indibidwal?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nakakaapekto ang kalusugang emosyonal sa pagkatao ng isang indibidwal?

Sagot verified answer sagot

Ang ating pagkatao ay naaapektuhan ng iba’t-ibang mga sanhi. Isa na rito ang ating kalusugan, mapa-pisikal, mental, o emosyonal man.

Sa usaping kalusugang emosyonal, ang ating pagkatao ay naiimpluwensiyahan sa maraming paraan. Mayroon tayong mga positibo at negatibong emosyon. Halimabawa ng emosyon ay ang pagkatuwa habang negatibong emosyon namang ang pagkagalit.

Naiimpluwensiyahan ng ating mga emosyon an gating pagkatao sa pamamaraan na kung ano ang ating nararamdaman ay iyon rin ang kadalasang nakikita ng ating kapwa.

Halimbawa, ang isang batang lagging nakangiti ay nakikita natin bilang masiyahin. Sa kabilang banda naman, ang isang batang iyakin at nakikita natin na malungkutin.