Paano nakakaapekto ang social media sa paggamit ng wikang filipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nakakaapekto ang social media sa paggamit ng wikang filipino?

Sagot verified answer sagot

Makakaapekto ang social media sa pag gamit ng wikang Filipino ng dalawang paraan, positibo at negatibo.

Sa positibo, maaaring naipapasa rin sa mga karatig-bansa ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga sining at kultura na likha ng mga artista, tulad ng mga pelikula na nilalagyan na lamang ng subtitle ng ibang bansa upang maunawaan.

Makakaapekto rin ito sa komunikasyon ng bawat pamilya at napapadali ang proseso nito habang gamit pa rin ang sariling wika kaya napalalawig ito.

Sa negatibo naman, maaaring kalimutan ng ibang mamamayan mula Pilipinas ang wikang Filipino dahil Ingles ang kadalasan na ginagamit sa social media at unibersal na lenggwahe ito.