Paano nakakaapekto ito sa pag-unlad ng ekonomiya?

Katanungan

paano nakakaapekto ito sa pag-unlad ng ekonomiya?

Sagot verified answer sagot

Nakakaapekto ang ideolohiya sa ekonomiya dahil dito nakabatay kung anong klaseng ekonomikong sistema ang paiiralin sa isang bansa.

Kung may ideolohiya ang buong bansa tulad ng pagiging liberal, ang magiging ekonomiyang sistema nito ay malayang kalakalan at pribatisasyon ng mga ari-arian ng gobyerno.

Kung ang ideolohiya naman na nananaig ay sosyalista, ay mas uunahin ng gobyerno ang kapakanan ng mga tao at magiging abot-kaya ang mga serbisyong panlipunan, mapa-mayaman man ito o mahirap.

Sinisigurado nito ang pantay pantay na oportuidad at pamumuhay sa ilalim ng sosyalismo. Ang ideolohiya ay mahalaga dahil ito ang nagiging gabay ng mamamayan kung ano nga ba ang ekonomiyang sistema na paiiralin.