Paano nakakaapekto sa ating isip at kilos loob ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alkoholismo?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano nakakaapekto sa ating isip at kilos loob ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alkoholismo?

Sagot verified answer sagot

Itinuturing na masamang bisyo ang pagkalulong sa iligal na droga at madalas na pag-inom ng alak. Marami kasing itong masamang epekto sa takbo ng pag-iisip at ikinikilos ng isang tao.

Nakapagdudulot ito ng ilang kaguluhan dahil kapag nasa impluwensiya ng droga o alak ang isang tao ay hindi niya alam ang kaniyang ginagawa na nagdudulot ng pagtatalo, sakitan, at iba pang uri ng kriminalidad.

Nagiging sanhi rin ng pagnanakaw at pagkitil ang bisyo dahil ang isang taong wala nang maipantustos sa kaniyang pagkalulong ay nagagawa nang magnakaw at manakit ng iba para sa sariling kaligayahan.