Paano nakakatulong sa mga Pilipino ang paggamit ng naturang wika sa mga lokal at internasyunal na pelikula?

Katanungan

paano nakakatulong sa mga pilipino ang paggamit ng naturang wika sa mga lokal at internasyunal na pelikula?

Sagot verified answer sagot

Nakatutulong ito dahil mas madaling maintindihan ng ibang Pilipino ang mga salita sa isang palabas. Bukod pa rito, mas mapapalaganap ang wikang Filipino sa ibang lahi rin at matutunan nilang gamitin ito.

Mas lalo nilang makikilala at mapapalaganap din sa iba ang wika sa Pilipinas. Ang paglalagay sa wikang Filipino ay maituturing na inklusibo at aksesable sa mga tao, dahil hindi naman din lahat ay pare-parehas ang antas ng pag aaral sa buhay.

Tiyak na mas maeenganyo ang masa kung nakasalin ito sa Filipino at mas mauunawaan nila ang bawat mensahe ng pelikula. Maganda na naturang wika ang ginagamit dahil ito rin ay panawagan para sa aksesableng sining.