Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang globalisasyon ay isang tiyak na prosesong nakakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa. Ito ay sa kadahilanan na iyon talaga ang layunin ng globalisasyon.

Ang konsepto at kahulugan ng globalisasyon ay isang mabilisang proseso na nag-uugnay at nagkakaisa sa bawat bansa sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng globalisasyon ay nabuksan ang daan upang magkaroon ng palitan sa pagitan ng mga bansa. Maaari itong palitan ng kalakal tulad ng mga produkto at serbisyo.

Puwede rin naman itong palitan ng ideya o kaalaman sa sining, teknolohiya, ekolohiya, ekonomiya, at marami pang iba.

Sa katunayan, sa ilalim ng globalisasyon ay nabuo ang mga organisasyon na makakatulong sa mga bansa tulad ng World Trade Organization, na siyang tumitingin sa kalakalan sa buong mundo.