Paano nakarating si Magellan sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

paano nakarating si magellan sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang paraan kung paano nakarating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng isang ekspedisyon gamit ang mga barko. Ang sinasakyan ni Magellan na barko ay ang Trinidad.

Si Ferdinand Magellan o mas kilala bilang Magellan ay isang Portuguese na nagsilbi kay Haring Carlos I ng Espanya.

Pinamunuan niya ang isang ekspedisyon patungong Silangang bahagi ng Asya at kanyang nadiskubre ang bansang Pilipinas.

Ang ugat ng paglalayag na ito ay upang matunton nila ang Moluccas Island o higit na kilala bilang spice island na pinaniniwalaan nilang isang islang nagtataglay ng maraming uri ng mga pampalasa o spices.

Pinaniniwalaang sa Homonhon unang dumaong ang manlalayag at nagtungo sa Limasawa na kalaunan ay nagpunta sa Mactan kung saan nakasagupa niya si Lapu-lapu subalit siya ay hindi pinalad.