Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng mali at songhai sa pag-unlad nito?

Sagot verified answer sagot

Nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nila dahil nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang mga produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa disyerto ng Sahara.

Kung titignan natin sa mapa, makikita natin na ang Mali at Shonghai ay matatagpuan sa mayamang kontinente ng Africa.

Kilala na ang buong kotinente bilang masagana sa mga likas na materyales tulad ng tanso at ginto. Dahil sa lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai ay sa kanila dumadaan ang mga kalakalan sa buong kontinente. Ito ang nagpaunlad sa mga nasabing kaharian.