Paano nakatulong ang ilog sa sistemang transportasyon?

Katanungan

paano nakatulong ang ilog sa sistemang transportasyon?

Sagot verified answer sagot

Nakatulong ang ilog sa sistemang transportasyon sapagkat napabibilis nito sistema ng pagdadala ng mga kalakal mula sa isang lugar patungo sa pakay na teritoryo.

Isa sa mga transportasyong ginamit mula sa nagdaang panahon ay ang transportasyong pantubig na kung saan ang mga ilog ang nagsisilbing daanan ng mga indibdiwal upang maisakatuparan ang kanilang layunin.

Sa sistema ng kalakalan na umiral sa kasaysayan, malaki ang naitulong ng mga ilog sapagkat napadali nito ang sistema ng transportasyon.

Hindi naging mahirap ang paglalayag ng mga iba’t ibang grupo upang madala ang kani-kanyang produkto na ipagpapalit mula sa iba’t ibang pangkat o grupo ng mga mangangalakal.