Paano nakatulong ang Kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

paano nakatulong ang kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ginamit ng mga mananakop na Espanyol ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino sapagkat sa pamamagitan nito nailipat nila ang mga mamamayan smula sa mga lugar na liblib patungo sa reduccion o isang lugar kung saan tinipon ng mga prayle ang mga mamamayang Pilipino upang madaling mapangasiwaan ang mga ito.

Dahil dito, nagkaroon ng seguridad ang mga mananakop na Espanyol upang iisakatuparan ang mga batas na nais nilang ipalaganap sa reduccion.

Ang paniniwalang kristiyanismo ay dala ng mga Espanyol ng sakupin nila ang Pilipinas. Ito ang nagsilbing malaking ambag nila sa kasaysayan ng bansa sapagkat sakanila nagmula ang isa sa relihiyong may malaking bilang ng mga taga-sunod.