Katanungan
Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita?
Sagot
Nakatutulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe sa paraang nakapupukaw ito ng atensyon ng mga mambabasa at nagbibigay ng pagganyak upang unawain at basahin ang akda.
Ang mga matatalinhagang salita o mga may lalim na salita ay ginagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula upang higit na mapaganda nito ang piyesa.
Ang mga salitang ito ay siyang nagbibigay ng karagdagang emosyon o damdamin at higit na nakapupukaw ng atensyon ng mga indibidwal.
Dahil sa nakatatawag ito ng pansin, ang mga mambabasa ay nahihikayat na siyasatin at alamin ang kahulugan o mensahe ng akda.