Paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura?

Sagot verified answer sagot

Nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura sapagkat higit na nabibigyang linaw nito ang kaisipan o ideya.

Ang pagpapalawak ng pangungusap ay nakatutulong upang maipahayag o maipaliwanag ng maayos ang isang ideya o kaisipan na nais ipamahagi sa iba.

Sa tulong nito mas madaling maunawaan ng tagapakinig o bumabasa ang mensahe o aral mula sa kaisipan. Ang pagpapalawak ng pangungusap ay maaaring gawin sa apat na pamamaraan.

Una, ito ay mapahahaba sa pamamagitan ng paggamit ng ingklitik o paningit. Ikalawa, ang mga panuring ay nakatutulong sa pagpapalawak nito.

Ikatlo, upang maging malawak ang pangungusap, ang mga pamuno sa mga pangngalan ay maaaring pagsamahin. At ang huli ay ang paggamit ng mga parirala.