Paano Nakuha Ni Lenin Ang Pagtitiwala Ng Mga Tao Sa Russia?

Katanungan Sagot

Katanungan

Maaari po ba ninyong ipaliwanag sa akin kung paano nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao sa Russia? Salamat po. -Mark Lopez, Quezon City National Highschool

Sagot verified answer sagot

Nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Russia dahil sa kaniyang magagandang panukala at batas na ipinatupad.

Una na rito ay ang paghawak ng pamahalaan ng Russia sa lahat ng uri ng pagawaan sa kanilang bansa. Sila ang nangangasiwa rito upang maging patas at maayos ang pamamalakad ng mga ito at hindi maging hawak lamang ng pribadong sektor ang pagbibigay ng kabuhay.

Nagkaroon din ng pantay at malawak na karapatan ang mga mamamayan sa Russia sa kanilang kabuhayan at pagtatrabaho dahil dito. Tumatak din sa mga mamamayan ang kanyang panawagang “Kapayapaan, Lupain, at Tinapay.”