Paano napaunlad ng mga ilog Tigris at Euphrates ang sibilisasyon sa Mesopotamia?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano napaunlad ng mga ilog Tigris at Euphrates ang sibilisasyon sa Mesopotamia?

Sagot verified answer sagot

Paano napaunlad ng mga ilog Tigris at Euphrates ang sibilisasyon sa MesopotamiaMalaki ang naging papel ng mga ilog na Tigris at Euphrates sa pag-unlad at sibilisasyon ng Mesopotamia. Una na rito ay ang pagpapataba sa lupa ng Mesopotamia.

Dahil sa madalas na pag-apaw ng mga ilog na ito ay nag-iiwan ng banlik o silt. Ito ang nagiging dahilan upang maging mataba ang lupain sa rehiyon kaya naman masagana ang pananim.

Dahil din sa dalawang ilog, naging madali ang ugnayan ng Mesopotamia sa ibang mga lugar sa kanilang paligid. Samakatwid, mas naging madali ang kalakalan.

Maliban dito, ang ugnayan sa ibang mga lugar ay nagbunsod rin ng paglaganap ng kanilang militar upang maging handa sa mga labanan ng teritoryo.