Paano natin dapat ginagamit ang ating kagubatan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano natin dapat ginagamit ang ating kagubatan?

Sagot verified answer sagot

Paano natin dapat ginagamit ang ating kagubatanAng kagubatan ay dapat pinangangalagaan at ginagamit nang wasto. Dapat ay kung kukuha man ng mga likas na yaman dito ay may kaukulang permit mula sa mga awtoridad.

Hinahayaan naman ang pagkuha at pagputol ng mga puno sa ilang kagubatang pinahihintulutan ng pamahalaan. Gayunman, may mga kagubatang hindi maaaring pasukin ng sinuman dahil protektado ito.

Dapat din ay palitan kung anuman ang yamang kinuha sa kagubatan at hindi abusuhin ang mga ito. Limitado lamang ang dapat yamang kinukuha at pinapalitan din lalo na ang mga puno. Kung puputol ng puno, dapat ay doble ng bilang nito ang ipapalit at itatanim din.