Katanungan
paano natin maipapakita ang damdaming nasyonalismo?
Sagot
Nasyonalismo ang tawag sa politikal na sistema kung saan ang interes ng bansang kinabibilangan ng isang tao ay kanyang prayoridad.
Ito rin ay ang pagmamahal na mayroon para sa isang bansa. Maraming paraan upang maipakita ang pagka-nasyonalismo. Una na rito ay ang paggamit ng sariling wika.
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wika kaya naman dapat ipagmalaki mo ang wikang Filipino dahil iyon ang wika natin.
Ikalawa, ang pagtingkilik sa mga produktong lokal ay talaga naman nakakatulong sa ating bansa at nagpapakita ng ating nasyonalismo.
Ikatlo, sumunod sa mga alituntunin at batas ayon sa pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansang Pilipinas.