Paano pahalagahan ang isang likhang sining?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano pahalagahan ang isang likhang sining?

Sagot verified answer sagot

Unang maaaring gawin ay bigyang pugay ang may likha at puriin ang kaniyang mga likha upang maiangat ang kaniyang tiwala sa sarili at magpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.

Tangkilikin dapat ang kaniyang mga likha upang magkaroon siya ng kaniyang kita dahil sa paglikha sa sining at magbayad ng sapat na kompensasyon sa artista.

Ginugol niya ang oras niya para rito kaya dapat lamang siya ay bayaran at tangkilikin ang iba niya pang gawa.

Maaari rin ipakilala pa lalo ang kaniyang mga likha para makita ng ibang tao at maging interesado sa kaniyang mga likha, at para rin makilala siya ng iba pang tao.