Paano pahalagahan ang kulturang Pilipino?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

paano pahalagahan ang kulturang pilipino?

Sagot verified answer sagot

Mayaman sa kultura ang Pilipinas at alam nating lahit ito dahil sa ating mahabang kasaysayan. Bagamat marami nang ibang mga bansa ang nanakop sa ating bansa, may sarili pa rin tayong kulturang Pilipino na talaga namang makulay.

Maraming pamamaraan upang maipakita natin ang pagpapahalaga natin sa ating sariling kultura. Unang-una na ang paggamit sa ating sariling wika.

Atin ring yakapin ang mga istorya at iba pang panitikan na nagpapakita ng pagka-Pilipino. Gayun na rin ang masasabi sa sining at musika.

Tangkilikin natin ang mga produkto na sariling atin o gawang lokal. Higit sa lahat, magpakita tayo ng pagmamahal sa ating kapwa at sa ating bansa.