Katanungan
paano tinugon ni langgam ang hiling ni tipaklong?
Sagot
Tinugon ni Langgam ang hiling ni Tipaklong sa pamamagitan ng pagpapatuloy ditto upang may masilungan sa panahon ng tag-ulan.
Sina Langgam at Tipaklong ay mga tauhan ng isang kilalang pabula kung saan ipinakita sa kwentong ito ang pagkakaiba ng dalawa.
Si Langgam ay nakilala bilang masipag at mapag-impok na nilalang. Pinaghandaan niya ang pagdating ng tag-ulan sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga pagkain.
Sa kabilang banda, si Tipaklong naman ay kilala bilang masiyahin at mahilig maglaro. Hindi niya inaalala ang darating na panahon sapagkat ang mahalaga ay ang kasiyahan niya.
Kaya naman sa pagsapit ng tag-ulan, maayos ang lagay ni Langgam samantalang walang masilungan at makain si Tipaklong.