Paano tinutukoy ang lokasyon ng isang lugar gamit ang imahinasyong guhit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano tinutukoy ang lokasyon ng isang lugar gamit ang imahinasyong guhit? Kanina pa ako nastuck sa question na ito. Patulong naman guyz!

Sagot verified answer sagot

Paano tinutukoy ang lokasyon ng isang lugar gamit ang imahinasyong guhitTinatawag na longhitud at latitud ang mga imahinasyong guhit sag lobo o representasyon ng daigdig. Ginagamit ang mga ito upang matukoy ang lokasyon o kinaroroonan ng isang lugar.

Sinusukat o tinutukoy ang lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtaya sa digri ng pagitan ng layo ng isang imahinasyong guhit mula sa isa pa. Sa pamamagitan ng pagsukat ng layo ay nakikita ang absolute o tiyak na lokasyon ng isang lugar.

Ang bawat digring layo ng isang longhitud ay may layong 111.32km sa bawat isa. Ang isang longhitud rin ay kumakatawan sa isang 60 minuto sa mundo. Mahalagang masukat ang mga ito dahil ito ang tumutukoy din sa oras, panahon, at klima ng isang bansa o lugar.