Pagbabago sa politikal na pamumuhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagbabago sa politikal na pamumuhay?

Sagot verified answer sagot

Mula sa Panahong Paleolitiko na kung saan ang mga sinaunang tao ay nagpapalipat lipat ng tirahan upang mabuhay ay nagkaroon ng pagbabagong politikal.

Mula sa isang walang pamantayang pagkilos o paggalaw sa loob ng isang pamayanan ay nabuo ang politikal na pamumuhay.

Ang uri ng pamumuhay na ito ay kinapapalooban ng mga batas o panuntunang sinusunod sa isang lugar upang makapamuhay ng tahimik, ligtas, at matiwasay.

Sa tulong ng mga konkretong tagubilin, nagkaroon ng iisang mithiin ang bawat mamamayan. Subalit sa paglipas ng panahon, isang kagimbal gimbal na suliranin ang kinahaharap ngayon ng bawat bansa.

Ito ay ang pandemyang nagbigay takot sa bawat isa. Sa kabila ng hirap at gutom na nararanasan ng halos karamihan sa atin panatilihin nating isaalang-alang ang kaayusan at katahimikan ng ating lugar o pamayanan. Huwag hayaang lupigin ng mapaminsalang sakit na ito ang pagkakaisa na nabuo ng mahabang panahon.