Katanungan
pagbibigay ng 4ps assistance sa mga mahihirap?
Sagot
Ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang programa ng pamahalaan upang mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na Pilipino.
Ang mga tulong pinansiyal para sa edukasyon, kalusugan, at nutrisyon ay ang mga pangunahing binibigyang pansin nito.
Sang-ayon ako na ang programang ito ay higit na nakatutulong sa mga mahihirap na pamilya sa bansa. Tunay na nakapag-aaral ang mga kabataan sa pamamagitan ng tulong pinansiyal na ito.
Subalit hindi katanggap-tanggap na dahil sa programang ito ay natutong iasa na lamang ng mga tao ang kanilang buhay. Kung kaya ikinalulungkot ng nakararami na ang kawalan ng pagkukusa ng mga benepisyaryo nito.