Pagdaraos ng marangyang pista sa mga lugar sa bansa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

pagdaraos ng marangyang pista sa mga lugar sa bansa?

Sagot verified answer sagot

Ang Pilipinas ay kilala sa mga makukulay at marangyang pista na idinaraos buwan-buwan sa bawat lungsod o siyudad sa bansa.

Iba-iba ang mga pista sa bawat lugar sa Pilipinas at ang mga ito ay nagsisilbing selebrasyon, kadalasan ay ng mga santo o santa dahil karamihan sa mga Pilipino ay Kristiyano.

May musikos, may parade, may sagala, at may mga nagsasayawan – ito ang mga pangkaraniwang makikita sa isang pista.

Ang mga bahay-bahay ay may kanya-kanyang handaan o salu-salo kung saan maraming mga pagkaing Pilipino ang nakahain. May misa rin na nagaganap sa simbahan kung saan nag-aalay ng dasal at pasasalamat ang mga tao.