Pagdiriwang kung saan makakakita ka ng banderitas sa kalye?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagdiriwang kung saan makakakita ka ng banderitas sa kalye?

Sagot verified answer sagot

Pista o Fiesta ang tawag sa pagdiriwang kung saan maraming banderitas ang makikita sa mga kalye at kalsada sa isang lugar.

Kadalasan, ito ay nagaganap dahil sa isang panrelihiyong o makasaysayang tema. Maaaring ipagdiwang nito ang pagiging santo o santa ng isang tao, kapanganakan, o kamatayan ng isang banal na tao o bayani.

Ilan sa mga pinakasikat na pista sa bansa ay ang mga sumusunod: ang Sinulog Festival sa Cebu, ang Ati-Atihan sa Aklan, Dinagyang sa Iloilo, at Panagbenga sa Baguio. Tampok rin sa mga pista ang mga makukulay na parade, ang pagsasayaw ng mga katutubong sayaw ng isang lugar, at paghahanda ng mga pagkain.