Pagiging materyal o mahilig sa mga kagamitan ng mga Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagiging materyal o mahilig sa mga kagamitan ng mga pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ang pagiging mahilig sa materyal o mahilig sa kagamitan ay isang kaugalian na hindi lamang laganap sa mga Pilipino.

Kahit saang panig ng mundo ay marami na ang nahihilig sa mga materyal na bagay, dahil na rin siguro sa pag-usbong ng mas maraming kagamitan gawa ng makabagong teknolohiya.

Hindi masamang mahilig sa mga materyal na bagay o kagamitan. Maraming tao ang ginagawang koleksyon ang mga ito.

Hangga’t sa ang isang tao ay may kakayahan na tustusan ang kanyang mga gastusin ay okay lang ito. Tandaan lamang na dapat ay mas bigyang kahalagahan pa rin ang mga pangangailangan kaysa sa kagustuhan.