Pagiging tamad na ng mga tao na magtanim?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagiging tamad na ng mga tao na magtanim?

Sagot verified answer sagot

Sa ating kultura ay mayroon tayong isang kanta kung saan isinasaad na ang pagtatanim ay hindi biro.

Dahil sa progreso ng komunidad ngayon, sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at iba pa, ay kakaunti na lamang sa mga tao ang marunong magtanim.

Sinasabing ang iilang tao ngayon ay may katamaraan na sa pagtatanim. Ito ay hindi makabubuti sa ating kapaligiran.

Maraming mga puno at mga halaman ang araw-araw na inaani para gamitin at ang iba’y nawawasak dahil sa mga kalamidad ngunit kakaunti lamang ang napapalitan sa mga ito. Napakaimportante na patuloy ang pagtatanim at inaanyayahan dapat ang lahat na makilahok sa pagtatanim.